A RetroSearch Logo

Home - News ( United States | United Kingdom | Italy | Germany ) - Football scores

Search Query:

Showing content from https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/chad-booc-recruiter-indigenous-youth/ below:

HINDI TOTOO: Ni-recruit ni Chad Booc ang mga kabataang katutubong kasama niya sa Cebu

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Ibinasura ng Davao del Norte Provincial Prosecutor’s Office ang lahat ng isinampang reklamo ng kidnapping at serious illegal detention laban kay Booc at iba pang volunteer teachers ng Lumad dahil sa kawalan ng ebidensiya at matibay na batayan

Buod Mga detalye 

Pinaratangan ng Philippine Army Spearhead Troopers, ang opisyal na Facebook page ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, si Chad Booc narecruiter ng mga kabataang katutubona umano’y iniligtas ng mga awtoridad sa Cebu noong Pebrero 2021.

Ayon sa paratang, na ipinaskil noong Pebrero 25, ilang oras lang matapos unang maibalita ng Kalinaw News ang pagkamatay ni Booc, ginagamit umano ang mga kabataang Lumad bilang propaganda ng teroristang CPP-NPA-NDF.”

Hindi totoong mga rekluta ni Booc ang mga Lumad na kasama sa Cebu.

Noong Mayo 2021, ilang buwan matapos dakpin ng Central Visayas Police si Booc at ang tinatawag ngayong “Bakwit 7” sa University of San Carlos-Talamban Campus (USC) dahil sa umano’y “illegal detention” at “kidnapping” ng mga kabataang Lumad, ibinasura ng Davao del Norte Provincial Prosecutor’s Office ang mga reklamo.

Ayon sa piskal, walang ebidensiya, walang matibay na batayan, at labas sa territorial jurisdiction ng Davao del Norte Provincial Prosecutor’s Office ang mga reklamo.

Si Booc ay boluntaryong guro ng matematika sa ALCADEV, isang alternatibong paaralan para sa mga kabataang Lumad na walang paraan para magkaroon ng pormal na edukasyon sa Surigao del Sur. Nire-red tag siya nang mga nakaraang taon dahil sa pagtuturo niyang ito sa komunidad.

Samantala, nilinaw din ng University of San Carlos at ng mga miyembrong pari ng Societas Verbas Divini (SVD) Philippines Southern Province na ang mga batang Lumad na kasama nina Booc ay naroon dahil napahaba ang pananatili nila sa Cebu dahil sa quarantine restrictions.

Anila, pinangunahan ng Archdiocese of Cebu-Commission on Social Advocacies ang programang bakwit school kasama ang Save Our Schools (SOS) Network. Tinutulungan ng programa na maipagpatuloy ng mga estudyanteng Lumad ang kanilang pag-aaral habang hindi pa sila nakababalik sa sari-sariling komunidad. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com

Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

How does this make you feel?

Loading


RetroSearch is an open source project built by @garambo | Open a GitHub Issue

Search and Browse the WWW like it's 1997 | Search results from DuckDuckGo

HTML: 3.2 | Encoding: UTF-8 | Version: 0.7.4